
Masaya daw ang character actor na si Luri Vincent Nalus na mapasama sa GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol.
Bukod kasi sa pagiging bahagi ng malaking proyekto, ito pa ang pangatlong beses na nakatrabaho niya si Andrea Torres.
Sa Victor Magtanggol, gumanap si Luri na cameraman ni Gwen (Janine Gutierrez). Dati na silang nagkatrabaho ni Andrea sa season one at two ng isa pang GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.
Nagbigay naman ng mensahe si Luri sa kanyang "classmate" na si Andrea sa pagtatapos ng kanilang telefantasya series.
"Classmate @andreaetorres pangatlong show na nten nag kasama classmate at hindi ka pa din nag babago, ingat kayo palagi nila mommy salamat sa chikahan at sa pag kakaibigan hanggang sa muli Miss Venus este! Mahal na diosa Sif ," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa finale ng show. Naging top trending topic pa ng Twitter Philippines ang official hashtag nitong #VMTheHeroicFinale.
Balikan ang ilang mga eksena mula finale ng superhero series na Victor Magtanggol.