
Back-to-back ang paghahatid ng kilig ng cast ng upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms sa kanilang 'Luv is Mixtape Series' malls shows para sa Kapuso fans ngayong weekend.
Abangan sila ngayong Sabado, December 17 sa Level 2 activity area ng Robinsons Place Dasmariñas. Makikipagkulitan naman sa kanila sa darating na Linggo, December 18 sa trade hall expansion building ng Robinsons Place Novaliches, sa parehong oras na 4:00 ng hapon.
Mapapanood sa nasabing mixtape series, ang inihandang kilig performances ng Sparkle sweethearts at bida ng series na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Hindi rin magpapahuli ang Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas sa pagpapakilig sa kanilang production numbers.
Maghahatid din ng saya ang Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.
Ang nasabing series ay TV adaptation ng Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na may parehong titulo. Ito rin first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios.
Samantala, panoorin ang first kilig teaser ng naturang series sa video na ito:
Abangan ang Luv is: Caught in His Arms ngayong January 2023 na sa GMA.
SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: