
Muling mapapanood ang tambalan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara bilang Kudos at Angelica sa pagbabalik telebisyon ng Luv Is: Love at First Read.
Ang Luv Is: Love at First Read ay ang ang collaboration project ng GMA Network at Wattpad WEBTOON Studios. Ngayong Lunes, August 4, muli itong magpapakilig sa telebisyon dahil mapapanood na ito sa GTV.
Ang seryeng pinagbidahan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay unang napanood noong 2023. Ito ay isinulat ni “Chixnita” at nakakuha ng lagpas 23 million views sa Wattpad.
Muling mapapanood sa Luv Is: Love at First Read sina Therese Malvar bilang Abigail, Mariel Pamintuan bilang Sandy, Pam Prinster bilang Hazel, Bruce Roeland bilang Risk, Josh Ford bilang Train, Larkin Castor bilang Shield, Marco Masa bilang Dale, at Vito and Kiel Gueco bilang Psalm and Philemon.
Mapapanood din sa serye ang mahuhusay na aktor at aktres sa industriya na sina Jackie Lou Blanco bilang Truly, Jestoni Alarcon bilang Hector, at Maricar de Mesa bilang Yumi.
Huwag magpahuli at muling tutukan ang kilig love story ng Luv Is: Love at First Read simula August 4 sa GTV. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. bago mag-24 Oras.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MEDIA CONFERENCE NG 'LUV IS: LOVE AT FIRST READ':