GMA Logo Mavline Mikael Daez and Megan Young
What's Hot

'Luvs Is: Love at First Read' at 'Royal Blood' stars, nagkuwento kung anong dapat abangan sa kanilang serye

By Aedrianne Acar
Published May 23, 2023 9:04 PM PHT
Updated May 24, 2023 1:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala exits Australian Open after 'overwhelming' scenes
DPWH chief orders third-party assessment of Iloilo's Aganan Flyover
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Mavline Mikael Daez and Megan Young


Ano nga bang dapat abangan sa Luv Is: Love at First Read at Royal Blood? Sinagot ito nila Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Mikael Daez at Megan Young.

Dinagsa ng mga tao ang mall show nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na idinaos sa Gaisano Mall of Toril sa Davao City nitong Sabado, May 20.

Bibida ang Sparkle loveteam sa upcoming romance series na Luv Is: Love at First Read.

Sa panayam sa MavLine ng 24 Oras, nagkuwento ang dalawa tungkol sa kani-kanilang karakter sa serye.

Lahad ni Kyline, “Binigyan ko ng mas pressure 'yung sarili ko po para mas mabigyan ng buhay 'yung character.”

Ayon naman sa Kapuso heartthrob na si Mavy, “Talagang change of focus, change of ambition and goals for this show, bilang the lead of the show.”

Huling napanood ang tandem nina Mavy at Kyline sa Daig Kayo Ng Lola Ko noong Pebrero.

Tampok naman sa much-awaited primetime drama na Royal Blood ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez.

Tulad ng MavLine may mall show din noong Sabado ang real-life couple sa Tagum City.

Ayon kay Mikael na napanood natin sa Running Man Philippines noong nakaraang taon, masaya siya na finally ay makaka-trabaho na niya ang kaniyang misis at Miss World 2013 na si Megan Young.

Sabi ni Mikael sa Chika Minute, “Proud ako sa show na ito, dahil nakatrabaho ko 'yung asawa ko finally. After how many years.”

“Masyado siyang happy dun sa pagiging happy wife niya. But it has been a while since Megan [Young] worked due to the pandemic and the lockdowns.”

Para sa latest updates at exclusive content sa Luv Is: Love at First Read at Royal Blood, bisitahin lang ang GMANetwork.com

SWEETEST MOMENTS OF MAVLINE: