GMA Logo Lyca Gairanod
What's on TV

Lyca Gairanod, ikukuwento ang buhay bilang isang vlogger at artist sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published July 21, 2022 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lyca Gairanod


Makikisaya ang talented artist na si Lyca Gairanod sa 'The Boobay and Tekla Show' sa darating na Linggo (July 24).

Mainit na sasalubungin ng The Boobay and Tekla Show ang isa sa pinaka-talented na reality show winners ng kanyang henerasyon.

For the first time ever sa GMA Network, mapapanood si Lyca Gairanod sa TBATS ngayong Linggo (July 24).

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)

Sasalang si Lyca sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” kung saan ikukuwento niya ang kanyang buhay bilang isang vlogger at artist.

Bukod dito, ipamamalas din ng 17-year-old talent ang kanyang acting skills sa nakakatawang improv segment kasama sina TBATS hosts Boobay at Tekla.

Samantala, sa “The Guess-Sing Game,” dalawang teams ang susubukan na maisahan ang isa't isa sa panghuhula ng mga kanta habang magsasanib-pwersa sina Lyca at The Clash Season 3 first runner-up Jennie Gabriel sa pagbibigay ng clues sa pamamagitan ng pag-awit.

Magtatapos ang masayang gabi sa muling pagbabalik ng inyong paboritong parody segment, kung saan mapapanood ang nakakatawang take nina Boobay at Tekla tungkol sa viral story ng isang babaeng sinasaniban habang ini-interview on live TV.

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 24) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, MULING BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.