
Mapapanood na bukas, October 23, ang lyric video ng inaabangang 2022 GMA Christmas Station ID.
Sa isang post sa Facebook ng GMA Network, may patikim na ito kung ano ang tema ng Christmas Station ID ngayong taon.
Nakalagay sa caption, "Mga Kapuso! It's time to discover the true meaning of LOVE."
"Sama-sama nating abangan at panoorin ang 2022 GMA Christmas Station ID Lyric Video ngayong Linggo na, October 23!"
Dahil sa patikim na ito, maraming na ang na-excite sa panibagong Christmas Station ID ngayong taon.
Tumutok lamang sa GMANetwork.com para maging updated kung saan mapapanood ang lyric video ng 2022 GMA Christmas Station ID.