GMA Logo  M1ss Jade So
Photo source: M1ss Jade So Facebook page
Celebrity Life

M1ss Jade So, binawi ang 'indefinite hiatus'

By Ron Lim
Published July 25, 2026 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senior citizen, duguan matapos pagsasaksakin ng nanloob sa kaniyang bahay sa Caloocan
Moviegoers are turning to Google Search after seeing 'The Odyssey'
Rain or shine, ImmuniPlus encourages daily wellness

Article Inside Page


Showbiz News

 M1ss Jade So


Ipinaliwanag ni M1ss Jade So na naunawaan niya ang kaniyang purpose pagkatapos mapanood ang episode ng 'Drag Race Down Under vs the World'.

Ang fans ng Drag Race Philippines alum at kasalukuyang Drag Race Down Under vs the World competitor na si M1ss Jade So ay makakahinga na ng maluwag ngayong naglabas ng statement ang drag artist sa kaniyang social media na binabawi na niya ang kaniyang “indefinite hiatus”.

Sinabi ni M1ss Jade So sa kaniyang official Facebook account na binabawi niya ang kaniyang “indefinite hiatus”. Ibinahagi niya na napapaligiran siya ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at supporters na binibigyan siya ng “non-stop love and comfort.”

Ibinahagi din ni M1ss Jade So na nakikipagkita na rin siya sa mga psychologist para sa kaniyang mental health “that was destroyed by a lot of problems.” Ibinahagi rin niya na ang panonood ng premiere episode ng Drag Race Down Under vs the World ay nagpaalala na ang kaniyang purpose ay “to live, to preach, and to share” ang kaniyang “unique knowledge” sa mundo. Tinapos niya ang mensahe sa pagsabi na ginagawa niya ang lahat para gumaling.

Basahin ang buong mensahe sa baba.

Related gallery: Filipino drag queens who made noise in 2024

Nagsimula ang “indefinite hiatus” ni M1ss Jade So pagkatapos ng isang ngayong deleted na livestream. Pagkatapos ng livestream, naglabas ng mahabang statement ang Haus of M1ss Jade So para sa fans at followers.

Pinasalamatan ng statement ang lahat na nag abot ng concern, kindness, prayers, at support sa “incredibly difficult time” na pinagdadaanan ni M1ss Jade So. Ibinahagi din ng statement na napapalibutan si Jade ng kanyang mga mahal sa buhay, at canceled na ang kanyang scheduled shows, bookings, at engagements.

Basahin ang buong statement sa baba.

A post shared by Haus Of M1ss Jade So (@hausofm1ssjadeso)