
Labis na nanghihinayang ang maraming netizens at viewers sa pagkaka-evict ni Waynona Collins sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Bukod kina Caprice Cayetano at Lella Ford, ikinalungkot din ng marami ang maagang paglabas niya mula sa Bahay Ni Kuya.
Sa social media, mababasa ang comments tungkol sa panghihinayang nila sa journey ng Sparkle star sa iconic house.
Ang ilan sa kanila, napa-request pa kay Big Brother na sana ay makabalik si Waynona sa teleserye ng totoong buhay.
Narito ang ilang reaksyon at papuring natanggap ni Waynona:
Samantala, kasabay ni Waynona na na-evict ay ang Star Magic artist na si Reich Alim.
Abangan ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Related: 'Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'