Umpisa na ang ligaya ngayong Pasko, mga Kapuso!
Simula ngayong Lunes, November 11, may chance kayong manalo ng PhP5,000 hanggang PhP50,000 habang nanonood ng mga programa ng GMA Prime na Pulang Araw, Widows' War, Asawa ng Asawa Ko, at Amazing Earth, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. hanggang 10:20 p.m., sa GMA-7 at Kapuso Stream.
Para makasali, tumutok lang sa mga nabanggit na programa at hintayin ang signal sa inyong mga screen. Tandaan ang promo code na lalabas at i-scan ang QR code o mag-log on sa www.GMAnetwork.com/watchandwin. I-register ng inyong buong pangalan, address, email, at mobile number at i-type ang promo code para makapag-submit ng entry. More entries, more chances of winning!
Ang submission ng entries ay magbubukas ng 8:00 p.m. at automatic na magsasara ng 10:20 p.m. pagkatapos ng GMA Prime shows.
Lahat ng entries ay qualified sa electronic raffle tuwing Lunes, maliban kung holiday. Ang weekly raffle draws ay gaganapin sa November 18 at 25; December 2, 9, 16, 23; at January 2, 2025 sa ilalim ng supervision ng DTI representative. Bawat linggo ay limang (5) lucky viewers ang mananalo ng PhP5,000, habang isang Kapuso naman ang magwawagi ng P50,000 sa grand draw sa January 2.
Ang verified winners ay ia-announce sa GMA Prime block sa TV at Kapuso Stream; sa GMA website (www.gmanetwork.com), at sa official Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama (www.facebook.com/GMANetwork at www.facebook.com/GMADrama). Ito ay ipo-post tuwing Miyerkules.
Kaya, mga Kapuso, tumutok lang sa Pulang Araw, Widows' War, Asawa ng Asawa Ko, at Amazing Earth sa GMA Prime para sa chance n'yong makatanggap ng pamasko mula sa GMA Network.
Ang GMA Prime: Watch and Win Promo ay magsisimula sa November 11, 2024 at matatapos sa December 27, 2024. Para sa kabuuang mechanics, bisitahin ang www.GMAnetwork.com/watchandwin.
DTI Fair Trade Permit No. FTEB-205752 Series of 2024