
Mabubuking ni Abby ang tunay na pagkatao ni Drew --isa siyang stalker at kaya niyang gumawa ng masama para lamang maitago ang lihim niya.
Dahil sa intensyon ni Abby na iligtas ang dati niyang kaibigan na si Coleen mula sa tuluyang pagkahulog kay Drew, unti-unting nagsaliksik si Abby ng mga impormasyon tungkol sa binata.
Natuklasan niyang hindi pala Drew ang tunay na pangalan nito at nagpapanggap lamang.
Saan hahantong ang mga rebelasyong ito?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga tagpo sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly ngayong gabi, October 22, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.