
Isang pinakahihintay na reunion ang mapapanood sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Lulusob na si Lolong (Ruru Madrid) sa kuta ni Ivan (Martin del Rosario).
Makakaharap niya rito ang mga dating kaaway na sina Julio (John Arcilla), Dona (Jean Garcia).
Narito ang sneak peek ng reunion ng pamilya ni Lolong.
Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.