
Maraming netizen ang naka-relate sa sabaw moment ng viral content creator na si Macoy Dubs or Mark Averilla sa totoong buhay.
Sa post ni Macoy sa Facebook ngayong Miyerkules (November 29), ikinuwento nito ang experience niya nang sumakay ng isang kotse na inaakala niya sa isang sikat na ride-hailing app.
Post ng social media star, “Mga maaaaaaa kainin ako ng lupa. Sumakay ako sa akala kong Grab ko na. Pag sakay ko sa likod sabi sa akin ng driver "sino ho kayo? Hindi ko yata kayo kamag-anak"
“HAAHAHAHAHAH Avanza na itim.”
Sumunod niyang post, “Ang di ko matanggap is may abog pa akong nagtanong kanina, "pwede sa harap?"
“Di siya sumagot. Tapos may pamaypay kaya di ko na binuksan. Then pag upo ko sa likod hindi pala ako ang ine expect niya. Sad!”
Umani ng 18,000 reactions ang funny post na ito ni Macoy Dubs sa Facebook.
Game rin siya sumagot sa mga netizen na tawang-tawa sa naging experience niya.
Matatandaan na noong Oktubre, nakapag-guest si Macoy sa episode ng high-rating Kapuso game show na Family Feud na hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
NEW SEASON OF FAMILY FEUD: