
Dream come true para kay Mad Ramos ang mapabilang sa mga talented artists ng Sparkle.
Si Mad ay pumirma na sa Sparkle noong August 12. Ang bagong Kapuso heartthrob ay ang 19-year-old volleyball star mula sa University of Santo Tomas at ang nagwagi sa Campus Cutie search ng Sparkle.
Inilahad ni Mad na natupad na ang kaniyang pangarap ngayong isa na siyang Kapuso.
"Sobrang saya ko ngayon dahil isa na akong ganap na Kapuso since nag-contract signing na."
Dugtong pa ng rising star na si Mad, "This is my precious dream before. Since nandito na siya, I will commit myself to work hard and give my best so I will be deserving to whatever opportunities and blessings na darating."
Nagpasalamat naman si Mad sa GMA at sa Sparkle dahil sa opportunity na ito.
Ani Mad, "I want to thank GMA Sparkle management for giving me this opportunity."
Saad pa niya, "Sobrang thankful po ako and I feel so blessed and I feel so happy na isa na po akong Kapuso."
Sa ngayon ay napapanood na si Mad sa MAKA: Next Chapter.
SAMANTALA, CAMPUS CUTIE NA SI MAD RAMOS DITO: