
Masaya at nagpapasasalamat ang Sparkle Campus Cutie winner na si Mad Ramos sa pagkakataon na napasama sa cast ng hit youth-oriented na MAKA, at ngayon sa spinoff nito na MAKA LOVESTREAM.
Ang MAKA ang unang acting project ni Mad Ramos matapos na magwagi sa Campus Cutie search ng Sparkle. Noong August 12, opisyal ng pumirma si Mad ng management contract sa Sparkle.
"Yes po, this is my very first project here in GMA. I feel so blessed na napili nila ako na makasama sa isa sa mga cast," sabi ni Mad sa interview ng GMANetwork.com.
Napanood si Mad sa MAKA simula noong July 2025 kung saan kabilang siya sa three-man basketball sensation na The B-Boys, kasama sina Anton Vinzon at Raheel Bhyria. Dito, nakilala siya bilang Mad Sarmiento, kilala sa kanyang good look at killer moves sa court, at isa ring mama's boy.
Ngayon sa MAKA LOVESTREAM, makikilala si Mad bilang Otep.
Sa MAKA LOVESTREAM, excited ang Sparkle artist na mas makilala pa ang kanyang co-stars na sina Zephanie, Shan Vesagas, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Anton Vinzon, Josh Ford, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Bryce Eusebio, at Elijah Alejo.
"I'm so happy na nandito pa [rin ako], and mas lalo ko pa silang makikilala at makasama pa," dagdag niya.
Abangan si Mad Ramos sa MAKA LOVESTREAM simula September 6, 4:45 p.m. sa GMA
MAS KILALANIN SI MAD RAMOS SA GALLERY NA ITO: