
Sinorpresa ng MAKA LOVESTREAM Barkada ang kanilang co-star na si Mad Ramos sa kanyang ika-20th birthday.
Sa Facebook page ng MAKA LOVESTREAM, ipinakita ang natanggap na cakes ni Mad mula sa kanyang MAKA LOVESTREAM family habang nasa set.
Masaya ring nagpakuha ng larawan si Mad kasama ang kanyang co-stars na sina May Ann, Sean, Elijah Alejo, Chanty, Olive May, Bryce Eusebio, Zephanie, at Shan Vesagas.
Bukod dito, nakatanggap din ang Sparkle Campus Cutie winner ng birthday surprise mula sa kanyang fans, na may dalang cakes at tarpulin para sa kanya.
Kasalukuyang napapanood si Mad bilang Onyok sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Subaybayan si Mad Ramos sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG MGA KARAKTER NA GUMAGANAP SA 'MAKA LOVESTREAM'S PRETTY LITTLE BABY' SA GALLERY NA ITO: