GMA Logo Madam Inutz live selling
What's Hot

Madam Inutz, tumulong na maibenta ang mga obra ni Christian para sa pagpapagamot ng pamangkin

By Aimee Anoc
Published September 14, 2021 11:47 AM PHT
Updated September 14, 2021 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Madam Inutz live selling


Mayroon naman kayang nag-mine sa mga art work na ibinenta ni Madam Inutz?

Umaapaw ang pasasalamat ngayon ni Madam Inutz sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya matapos na maitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong August 15.

Pero bukod sa sayang naihatid sa mga manonood, nakapagbigay inspirasyon din si Madam Inutz sa isang lalaki na patuloy na nagsusumikap para maipagamot ang pamangkin na may sakit.

Naging tagahanga si Christian Yerro ni Madam Inutz nang malaman nito ang kaniyang kuwento na inaalagaan ang maysakit na ina. Kaya naman ginawan niya ito ng portrait, pero ang hindi alam ni Christian ay nakarating kay Madam Inutz ang tungkol sa kanya.

Para makatulong sa pagpapagamot sa dalawang-buwang-gulang na pamangkin na si Baby Lira na nakaratay sa ospital, tumatanggap si Christian ng mga kliyente na nais magpa-drawing o portrait. Iginuguhit niya ang mga ito sa halagang hindi bababa sa P1,000 para may pandagdag sa pambayad sa ospital.

At para makatulong kay Baby Lira, sinorpresa ni Madam Inutz si Christian na maibenta ang mga obra niya sa live selling. Pero mayroon naman kayang nag-mine sa mga drawing o puro pagbati lang ang natanggap ni Madam Inutz?

Hindi naman nabigo si Madam Inutz at maya-maya pa ay sunud-dunod na ang nag-mine sa mga drawing. Matapos ang halos kalahating oras ay naibentang lahat ni Madam Inutz ang mga obra ni Christian na umabot sa halagang P26,000.

Kabilang sa mga obra na naibenta ay ang portait nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Pinoy rapper Gloc 9. Marami rin ang nagpaabot ng tulong para kay Baby Lira sa pamamagitan ng live selling ni Madam Inutz.

Matapos ang nangyaring bayanihan online, kasalukuyan nang maayos ang kondisyon ni Baby Lira pero patuloy pa rin itong binabantayan dahil sa enlarge kidney ng bata.

Oh 'di ba? Hindi lang pampa-good vibes ang hatid ni Madam Inutz, dahil malaki rin ang puso niya sa pagtulong sa kapwa.

Panoorin ang buong interview nina Christian at Madam Inutz sa Kapuso Mo, Jessica Soho: