
Kabit ni Satanas! 'Yan ang bansag sa umano'y boss-from-hell na si Madam Zandra!
Ngunit talaga bang wala nang pag-asang lumambot ang puso niya? Anong klase ng lalaki kaya ang darating sa buhay niya at magagawa ang maituturing na milagrong ito?
Aminadong man-hater ang strikta at napakataray na si Madam Zandra (Glaiza De Castro) kaya naman walang nag-akalang siya ay biglang ma-i-inlove. At sa tulad pa ni Celio (Rafael Rosell) na isang hamak na empleyado sa kanilang kumpanya.
Ang tanong -- handa ba si Zandra na magpakababa para ipaglaban ang kanyang once in a lifetime na pag-ibig? Dahil malalaman niyang nakatali na si Celio kay Liway (Mara Lopez), magiging handa ba si Zandra na maging kabit ng lalaking magbabago ng mundo niya? O gagamitin niya ang lahat ng kanyang impluwensya, kapangyarihan at yaman, ma-solo lamang si Celio?
Ito ang kwentong sunod na itatampok sa 'Karelasyon.' Abangan ngayong Sabado, February 3, pagkatapos ng 'Eat Bulaga!'