What's on TV

'Madam Z,' tampok sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 1, 2020 3:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: T-wolves beat Nuggets behind Dosumnu's 43, but lose Edwards, DiVincenzo to injuries
The new 'barely there' beauty secret for glowing, resilient skin
Huwag Kang Titingin: One Word to Describe your Character | Sean Lucas

Article Inside Page


Showbiz News



Lalambot din kaya ang kanyang pusong bato?

Kabit ni Satanas! 'Yan ang bansag sa umano'y boss-from-hell na si Madam Zandra!

Ngunit talaga bang wala nang pag-asang lumambot ang puso niya? Anong klase ng lalaki kaya ang darating sa  buhay niya at magagawa ang maituturing na milagrong ito?

Aminadong man-hater ang strikta at napakataray na si Madam Zandra (Glaiza De Castro) kaya naman walang nag-akalang siya ay biglang ma-i-inlove. At sa tulad pa ni Celio (Rafael Rosell) na isang hamak na empleyado sa kanilang kumpanya.

Ang tanong -- handa ba si Zandra na magpakababa para ipaglaban ang kanyang once in a lifetime na pag-ibig? Dahil malalaman niyang nakatali na si Celio kay Liway (Mara Lopez), magiging handa ba si Zandra na maging kabit ng lalaking magbabago ng mundo niya? O gagamitin niya ang lahat ng kanyang impluwensya, kapangyarihan at yaman, ma-solo lamang si Celio?

Ito ang kwentong sunod na itatampok sa 'Karelasyon.' Abangan ngayong Sabado, February 3, pagkatapos ng 'Eat Bulaga!'