
Inamin na ni Sylvia (Valerie Concepcion) ang tunay niyang relasyon kay Abi (Shayne Sava) sa tumitinding Raising Mamay.
Sa episode ng GMA Afternoon Prime series noong Huwebes, July 21, napilitang umamin si Sylvia na siya ang biological mom ni Abi matapos ang mainit na bangayan ng una at ni Malou (Ina Feleo).
Galit si Abi kay Sylvia dahil naniniwala siyang ang asawa nitong si Randy (Gary Estrada) ang bumaril sa ama niyang si Bong (Antonio Aquitania).
Nangako pa si Abi kay Sylvia na ibabalik niya ang mga naitulong nito sa kanila ni Letty (Aiai Delas Alas), maging ang mga regalo at mga pagkaing inihanda sa araw ng kanyang birthday.
Kinamumuhian ni Abi si Sylvia hanggang sa sinabi na ng huli ang katotohanan.
Kinuwestiyon ni Abi ang tunay niyang nanay kung bakit siya pinamigay nito noon. Naging madamdamin naman ang mga eksena sa pagitan ng mag-ina, na nagpaiyak sa mga manonood.
Ayon sa netizens, hindi nila napigilang madala sa mabigat na eksenang pinag-usapan sa Raising Mamay.
Pinuri rin ng ilan ang performance nina Valerie at Shayne na gumaganap sa papel na Sylvia at Abi.
Hinangaan din ang pagganap ni Aiai Delas Alas bilang adoptive mom ni Abi na si Letty na mapapansin sa nasabing episode na nakaramdam ng selos matapos yakapin ni Sylvia si Abi.
Huwag palampasin ang huling linggo ng Raising Mamay weekdays, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng kamera.
TINGNAN ANG MASAYANG SET NG RAISING MAMAY DITO: