What's Hot

Madamdaming wakas ng Hindi Ka Na Mag-Iisa

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 24, 2020 2:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Biyernes (October 26),  saksihan ang  madamdaming pagwawakas ng afternoon drama na Hindi Ka Na Mag-Iisa.
 



Ngayong Biyernes (October 26),  saksihan ang  madamdaming pagwawakas ng afternoon drama na Hindi Ka Na Mag-Iisa.
 
Pagkatapos ng 16-week run ng serye sa Afternoon Prime block,  masayang-masaya ang buong cast sa pangunguna ni Jennylyn Mercado sa naging experience nila sa naturang show. Ayon kay Jennylyn, ang hindi niya makakalimutang experience ay ang nabuong samahan sa set, “siyempre ang hinding hindi ko makakalimutan yung mga katrabaho ko at staff ng show. Para kaming pamliya sa set.”  
 
Maliban sa masayang experience, naging isang challenge rin kay Jennylyn ang kanyang role bilang Elisa. “Isa sa mga challenging experiences ko sa Hindi Ka Na Mag-Iisa ay yun pag-iyak. Kasi malalim talaga yun character ko at heavy ang mga crying scenes namin,” kwento ni Jennylyn.
 
Sa huling araw ng Hindi Ka Na Mag-Iisa, pagbabayaran ni Celine (Saab Magalona) ang mga kasalan niya sa kulungan. Mababasa rin niya ang sulat na binigay ng kanyang ina na si Jordana (Angelu De Leon).
 
Samantala, makalipas ang ilang araw na pananatili ni Elisa (Jennylyn) sa ospital dahil sa pag pagkakasaksak ni Jordana hindi parin ito kinakakitaan ng improvement. At isang araw dadalaw sina Maita (Glydel Mercado) at Angelica (Krystal Reyes) sa sementeryo, tila may kinakausap ang mga ito. Magugulat na lang ang mga ito nang biglang dumating si Elisa. Nakaligtas ito at kasamang dumadalaw sa puntod ni Mark. Masaya ang mag-iina dahil sa wakas ay buo na sila ngunit parang may kulang pa rin sa buhay ni Elisa - si Andrew (Sid Lucero).
 
Ngayong buo, tahimik at masaya na ang pamilya ni Elisa, magkikita pa kaya sila ni Andrew? O tuluyan ng mapuputol ang kanilang pagmamahalan?
 
Huwag palagpasin ang huling araw ng Hindi Ka Na Mag-Iisa ngayong Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.