
Nag-react si Mae Subong sa tanong ng netizens kung bakit hindi kasama ang kaniyang pangalan sa YouTube channel ng inang si Pokwang at kapatid na si Malia.
Ang YouTube channel na tinutukoy ng netizens ay may pangalan na "Mamang & Malia".
PHOTO SOURCE: YouTube: Mamang & Malia
Sa latest video ay tinanong ni Pokwang ang anak na si Mae, "Maraming nagsasabi, bakit daw Mamang & Malia lang? Bakit daw walang Ate Mae?"
Dugtong pa ni Pokwang, "Ano ba, babaguhin ba natin ang title?"
Ayon kay Mae, hindi naman ito mahalaga sa kaniya.
"Okay lang naman kahit hindi kasama ang pangalan ko guys tutal nakikita niyo naman ako dito lagi."
Pagpapatuloy pa ni Mae, "Hindi naman issue sa akin 'yun."
Tulad ng kaniyang paliwanag ay katuwang talaga ni Pokwang si Mae sa mga cooking videos sa YouTube channel. Dito rin nagbabahagi ng kanilang mga kuwento ang mag-ina sa mga sumusubaybay sa kanila.
Dahil sa tanong na ito kina Pokwang at Mae ay nag-suggest ang TiktoClock host na "Tres Marias sa Kusina" na lang ang ipangalan sa kanilang channel.
Natatawang sagot ni Mae, "O sige, puwede na."
Panoorin sina Pokwang at Mae sa kanilang bagong cooking video sa YouTube:
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAIPUNDAR NA SUMMER HOUSE NI POKWANG SA BATAAN