GMA Logo Pokwang with Mae
Celebrity Life

Mae Subong, inilahad ang pagkakaiba nila ni Malia

By Maine Aquino
Published July 18, 2024 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang with Mae


Inilahad ng anak ni Pokwang na si Mae Subong kung ano ang naging buhay niya kumpara sa kapatid niyang si Malia.

Inilahad ni Mae Subong kung ano ang pagkakaiba ng buhay nila ng kapatid niyang si Malia.

Si Mae ay ang anak ni Pokwang at nakatatandang kapatid ni Malia.

Ibinahagi ni Mae na naranasan niya na mahirap pa ang buhay nila noon ng inang si Pokwang. Samantala, ipinanganak si Malia na iba na ang kanilang estado ng buhay.

PHOTO SOURCE: YouTube: Mamang & Malia

Matatandaang ikinuwento ni Pokwang nalumaki siya sa hirap at kinailangan pang magtrabaho sa Japan. Pagkatapos ng ilang pagsubok sa buhay ay nakaranas siya ng kaginhawaan nang magsunod-sunod ang mga proyekto at blessings niya sa showbiz.

Kuwento ni Mae sa YouTube channel na "Mamang & Mali," "Lumaki ako naranasan ko 'yung buhay na naging mahirap tayo."

Paliwanag ni Mae, noon ay naalala niya na hindi madaling makuha ang kaniyang mga pangangailangan.

"Feeling ko 'yun 'yung malaking diperensya naming dalawa kasi siyempre ipinanganak siya mayroon na talaga. Kung ano kailangan niya, kung ano gusto niya, agad-agad. Ako noon 'pag may gusto ako, hindi puwedeng agad-agad or talagang totally at all wala 'di ba?"

RELATED GALLERY: TRIVIA: Fun facts about comedy star, Pokwang



Tanong naman ni Pokwang kay Mae pagdating sa characteristics nilang dalawa nila, ano ang nakikita niyang pagkakaiba?

Saad ni Mae, "Sa character parang maaga pa sabihin kasi siyempre baby pa si Malia eh."

Ayon pa sa ate ni Malia nakakatuwang makita ang pagiging kikay ng kaniyang nakababatang kapatid.

"Maarte talaga siya, kikay, 'yun 'yung word, kikay siya. Ako hindi ako masyadong makikay eh. Gusto niya full on eyeshadow pa 'yan tapos nakikita n'yo naman sa IG story ni mama nag-fashion show pa 'yan, lahat kinakalikot."

Panoorin ang bonding moment nilang mag-ina dito:




SAMANTALA BALIKAN ANG MGA LARAWAN NINA POKWANG AT MALIA DITO: