Article Inside Page
Showbiz News
Siya umano'y isang 61-year-old na classical guitarist.
By MARAH RUIZ

Kamakailan lang, napapabalitang may bago raw nobyo si Maegan Aguilar. Ang ikinagulat ng marami ay ang edad ng nasabing nobyo - ito umano ay isang 61-year-old na classical guitarist.
Ito ay matapos ang kontrobersiyal na tampuhan nila ng kanyang amang si Freddie Aguilar dahil sa pagpapakasal nito sa noon ay menor de edad na si Jovie Albao.
Pinaunlakan ni Maegan ng eksklusibong panayam ang
Startalk kung saan inilarawan niya ang kanyang nobyo.
"He's very charming, very funny. He's also intelligent, importante 'yun," matalinghagang kuwento ni Maegan.
Ibinahagi rin niya kung paano siya natutulungan nito.
"Hobby niyang mag-magic, so he's funny 'di ba? Nakakatulong to lighten things. That's important na 'yung kausap mo, napapatawa ka. Napapawi 'yung luha mo," pagtutuloy nito.
Maaalalang nakipag-hiwalay si Maegan sa kanyang kinakasamang si Ali Sanchez, matapos umano siyang pagbuhatan ng kamay nito.
Para sa iba pang detalye, abangan ang buong panayam kay Maegan sa Startalk.
Live ding makakasama si Dennis Trillo na haharapin naman ang mga tanong tungkol sa balikan nila umano ng dating nobyang si Jennylyn Mercado. Dadaan din sa studio si Mark Bautista na magbibigay ng mga update sa kalagayan ng kanyang amang na-stroke.
Tunghayan ang
Startalk, tuwing Sabado, 4:00 pm sa GMA!