What's Hot

Maegan Aguilar, nakipagbati na sa amang si Freddie Aguilar

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 8:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Are Batanes’ heritage houses at risk of disappearing? | Howie Severino Presents
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Isang madamdaming reconciliation ang namagitan kina Freddie and Maegan Aguilar noong Lunes (June 1). 
By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Nitong Lunes (June 1), nagkatagpo nang muli ang mag-amang sina Freddie Aguilar at Maegan Aguilar. Sa ulat ng Startalk, ibinahagi ng mag-ama ang kanilang naging madamdaming pagtatagpo kasama ang asawa ni Freddie na si Jovie Aguilar.

WATCH: Ka Freddie, binasag na ang katahimikan ukol sa karelasyon ni Maegan
 
Naging emosyonal si Maegan habang humihingi ng tawad sa kanyang ama. Aniya, "Sabi ko nga po kanina, sorry. Sorry, nag-sorry po ako."
 
"I will not deny when I miss my Tatay. I miss being in this house. I want to know her (Jovie Aguilar) better, and of course, 'yung mga anak ko gusto kong lumaki sila with their lolo," dagdag niya.
 
Samantalang si Freddie naman ay buo ang naging pagtanggap sa pagbabalik ng kanyang anak. Saad niya kay Maegan, "Alam ko namang hindi ka pa nagso-sorry, sinasabi ko naman na hindi mo pa nagagawa e pinapatawad na kita."
 
Ang asawa ni Freddie na si Jovie ay masaya rin sa muling pagkikita ng mag-ama. Pahayag niya, "Masaya lang ako na okay na sila. Kasi 'yun lang naman 'yung hinihiling namin pareho [ni Freddie]. 'Yung maging maayos 'yung pamilya naming lahat."
 
Nagpasalamat at humiling naman si Maegan sa asawa ng kanyang ama. Aniya, "Thank you kasi nandito ka. Hindi mo siya iniiwan. Sana huwag mo siyang iwan ever. 'Yun lang ang gusto ko, na pasayahin mo siya lalo."
 
Para kay Maegan, naniniwala siyang lahat ng nangyari sa kanilang mag-ama ay may dahilan.
 
"Lahat naman may rason. Lahat may purpose. Pero siyempre 'yung sa atin. 'Yung pagkakagulo, ayaw ko pong patagalin pa kasi hindi po mabuti para sa amin. Malungkot din kami na hiwalay kami sa inyo. At siyempre, gusto ko makita ni Tatay na lumaki sila (mga apo ni Freddie).
 
Sagot naman ni Freddie na ang pagiging independent ni Maegan ay mabuting aral para sa kanyang anak. 
 
"I think what happened kako noong mag-decide si Maegan na mag-solo, 'di ba sabi ko sa 'yo earlier mas maganda kako 'yun dahil mas lalo siyang matututo. Pero ngayong maayos na kami, puwede niyang itakbo dito 'yung mga apo namin anytime na hindi niya na kaya."
 
Isang Father's day message naman ang ibinigay ni Maegan sa kanyang ama. "Sana magkasama tayo. Kung hindi man, okay lang 'yun basta masaya ka 'Tay."
 
Dagdag ni Freddie, "Basta ang usapan sa Father's Day, kung walang show, magluluto. Pero 'pag may show, unahin ang hanapbuhay. Unahin ang trabaho."