GMA Logo Maegan Aguilar, Freddie Aguilar
Source: Maegan Verona Aguilar (Facebook)
Celebrity Life

Maegan Aguilar, reunited sa kanyang amang si Freddie Aguilar

By Jimboy Napoles
Published November 21, 2023 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Maegan Aguilar, Freddie Aguilar


Ang mag-ama na sina Freddie Aguilar at Maegan Aguilar ay muling nagkita matapos ang mahabang panahon.

Idinaan ng singer na si Maegan Aguilar sa isang Facebook post ang kanyang saya nang muling makita at mayakap ang kanyang ama at OPM icon na si Freddie Aguilar.

Matapos kasi ang mahabang panahon, reunited na ang mag-ama kasama pa ang ilan sa mga anak ni Maegan.

Makikita sa naturang Facebook post ni Maegan ang larawan nila ng ama na si Freddie na ngiting-ngiti sa kanilang muling pagkikita.

“Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you po tay, salamat po sa pagtanggap ninyo sa amin at sa akin,” sulat ni Maegan sa kanyang post.

Dagdag pa niya, “I missed you so much tay, and looking forward to spending more quality time with you and the kids and the rest of our family. May God bless us always.”

Samantala, matatandaan na sumali noong nakaraang taon si Maegan sa dating segment ng Eat Bulaga na “Bida Next” upang matulungan siyang muling makasama ang kanyang panganay na anak na nawalay sa kanya habang dalawang taong gulang pa lamang ito noon.

Kuwento niya noon, “'Yung panganay ko po, my son is in Houston Texas, but sadly he was taken from me when he was two years old.”

Ayon pa sa singer, may isang beses na siyang gumawa ng paraan upang makalipad patungo ng Texas para makita ang anak sa pamamagitan din ng pagsali sa isang music competition.

Aniya, “I saw him once in 2015 kasi I competed in Memphis for the International Blues Challenge, so it's a category of music 'yung blues po so ginalingan ko po sa contest dito sa Pilipinas para makapunta ako ng Memphis at makita ko po ang anak ko.”

Nagkita naman sina Maegan at kanyang anak noon, pero hindi na umano ito naulit pa.

“Nakita ko naman po, dinala din ng Tatay, ng ex ko, kasi nagre-request din 'yung anak ko. Nagpapasalamat din ako sa Diyos kasi 'yung anak ko hindi po ako nakalimutan,” ani Maegan.

Itinampok naman ang kuwento ni Maegan sa isang episode ng #MPK o Magpakailanman kung saan ginampanan ng aktres na si Sanya Lopez ang kanyang talambuhay.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Listen to my Heart: The Maegan Aguilar story

Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.