
Kabilang ang Kapuso comedian-actress na si Maey Bautista sa cast ng pinakainaabangang teleserye at historical collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.
Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Maey, ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa kanyang karakter sa serye.
Pagbabahagi ni Maey tungkol sa kanyang role, “Ako po ay ang pinakamatalik na kaibigan ni Rose, na gagampanan ni Jodi Sta. Maria. Ang role ko po rito ay ako talaga 'yung palaging sinasabihan ni Rose ng lahat ng mga hinaing niya sa buhay. Especially, 'yung magiging problema niya sa kanyang anak.”
Ayon pa sa kanya, kakaiba ang kanyang role sa naturang palabas at masayang-masaya siya dahil nakasama siya sa cast ng napakalaking proyektong ito.
Bukod pa kay Maey, mapapanood din bilang parte ng supporting cast sina Will Ashley, Bianca De Vera, Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Victor Neri, Romnick Sarmenta, at marami pang iba.
Ang Unbreak My Heart ay pagbibidahan naman nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Magsisimulang mapanood ang serye sa darating na May 29, 2023.
Ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART CAST NA NAKUHANAN SA KANILANG TAPING SA ITALY SA GALLERY SA IBABA: