GMA Logo Eugene Domingo at Sanya Lopez
What's on TV

Mag-aagawan sa mana sina Eugene Domingo at Sanya Lopez sa 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 1, 2020 12:34 PM PHT
Updated September 14, 2020 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EJ Obiena rules ISTAF Indoor with season-best clearance
For Bea Alonzo, jewelry makes the outfit
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo at Sanya Lopez


Gagawin ni Stella (Eugene Domingo) ang lahat para makuha ang mana na iniwan ng kanyang asawa sa 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo, September 20.

Matapos mabiyuda si Stella (Eugene Domingo), nalaman niya na may iniwang malaking mana ang kanyang asawa sa kanilang lawyer na si Atty. George (Gardo Versoza).

Saad ni George, makukuha lamang niya ito kung magawa ni Stella ang mga kundisyon inihanda niya.

Malugod na tinanggap ni Stella ang hamon na ito pero ang hindi niya alam, kailangan pala niyang manirahan kasama ang kerida ng kanyang asawa na si Nelda (Sanya Lopez).

Sa pamamaraang ito, malalaman ni Atty. George kung sino ang karapat dapat na mag-uwi ng mana na ipinaubaya sa kanya.

Magtagumpay kaya si Stella sa pagkuha ng mana o mauwi sa awayan at labanan ang magkaribal?

Gaganap sina Gardo Versoza at Sanya Lopez sa panibagong episode ng 'Dear Uge Presents' / Source: Carlo del Prado - Dear Uge

Alamin sa Dear Uge Presents kasama sina Eugene Domingo, Gardo Versoza, at Sanya Lopez sa 'Ang Dalawang Mrs. U (Part 1),' ngayon Linggo, September 20, sa GMA.