
Kuwento ng mag-asawa na namuhay at naglakbay gamit ang isang tricycle ang ibinahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Ipinakilala ni Dingdong sa Amazing Earth ang vlogger na si Benjo Dimaandal mula sa Bicol. Siya ang bumuo ng tricycle na ginamit nilang pang-road trip.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth/ Benjo Dimaandal
Kuwento ni Benjo, nagsimula sila noong February 14, 2022. Makikita na nilagyan ito ng solar panel, may kitchen, tulugan, at shower. Ayon kay Benjo, inabot ang pagbuo ng kanilang tricycle ng PhP 150,000 to PhP 165,000.
Panoorin kung paano nila nagawang mag-road trip sa tricycle dito:
Tutukan ang Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.