
Matapos ang halos siyam na taon, muling nagkita sina Ems (Eugene Domingo) at ang kanyang best friend na si Joms (Zoren Legaspi).
Sa kanilang pagkikita, nanghingi ng pabor si Ems kung maari muna siyang makitira sa bahay ni Joms dahil tinataguan niya ang mga nagpautang sa kanya.
Dahil dito, nakaisip ng solusyon si Joms: Tutulungan niyang bayaran ang utang ni Ems sa kondisyon na magpapanggap ito bilang kanyang asawa para maiwasan ang paglalandi ng kanyang hipag na si Ofelia (Maureen Larrazabal).
At para mas mapaniwala ang lahat, nanghingi pa ng tulong si Joms sa kanyang pinsan na si Pax (EA Guzman) para kuhanan ang kanilang official “wedding” photos.
Sapat na kaya ito para mapigilan ang paglalandi ng hipag ni Joms?
Source: Carlo del Prado - Dear Uge Presents
Alamin sa Dear Uge Presents: Wife for Hire (Part 1) ngayong Linggo, February 7 sa GMA-7 kasama sina Eugene Domingo, Zoren Legaspi, Maureen Larrazabal, at EA Guzman!