
Ayon kay Dingdong, maaaring gawin nila ang binyag ni Baby Z ngayong darating na Pebrero.
By CHERRY SUN
Sa kanyang panayam sa CelebriTV ay ibinahagi ng first-time dad na si Dingdong Dantes na sinimulan na nila ng kanyang kabiyak na si Marian Rivera ang pagpaplano para sa binyag ng kanilang baby na si Maria Letizia.
Ani Dingdong, kino-consider nila na gawin ang binyag ni Baby Z ngayong darating na Pebrero. Gumagawa na rin sila ng listahan ng magiging ninong at ninang ng kanilang panganay na anak.
READ: Dingdong Dantes dedicates 16-kilometer run for Baby Z’s second month
Hindi pa man tapos ang kanilang listahan ay dalawa na ang sigurado na magsisilbing ikalawang magulang ni Baby Z.
“Syempre si Ms. Aiai nandyan. Tapos sa mga lalaki, babanggitin ko si Gabby Eigenmann, ‘yan isa sa mga ninong. So tinatapos pa naming [‘yung list],” sambit ni Dingdong.
Ibinahagi rin ng Kapuso Primetime King na nae-enjoy nila Marian ang pag-alaga sa kanilang unica hija. Mabait daw ito kaya hindi sila napupuyat.
Ano naman kaya ang assignment ni Dingdong sa pag-aalaga kay Baby Z?
“Sa pagpapaligo ako ‘yung taga-hawak, araw-araw ‘yun talaga,” aniya.