
Wala na ba talagang forever?
Marahil maraming tumitingin sa mag-asawang sina Gab Valenciano at Tricia Centenera bilang kanilang #couplegoals. Matatandaan na noong March 27, 2015 ay kinasal ang dalawa sa Tagaytay Highlands Golf Club at noong March 31 ay nasundan ng beach wedding sa Boracay.
Ngunit matapos ang halos isang taong pagsasama, mukhang hiwalay na sina Gab and Tricia. Base sa kanilang mga social media posts, mistulang may kinakaharap na problema ang dalawa.
Noong August 31, may ni-retweet si Tricia sa kaniyang Twitter account na may patama sa mga "cheaters."
Rebuilding, because I don't tolerate cheaters. pic.twitter.com/3kLGwvmfDA
— Tricia Centenera (@TriciaCentenera) August 30, 2016
Ayon sa post ni Tricia, "Rebuilding, because I don't tolerate cheaters."
Nasundan din ito ng isa pang follow-up tweet tungkol sa "5 Rules of a Relationship."
5 rules of a relationship:
— Love Quotes (@LoveQuotes) August 31, 2016
1. Stay faithful.
2. Make them feel wanted.
3. Respect your partner.
4. Don't flirt with others.
5. Make time.
Today, September 1, may post din si Gab sa kaniyang Instagram account kung saan kasama niya ang kaniyang ina na si Angeli Pangilinan-Valenciano at ang kaniyang little sister na si Kiana Valenciano.
"A pocket full of sunshine in the stormiest of days. I love you both with everything I am," caption ni Gab sa kaniyang post.
Nag-reply din sa post na ito ang kaniyang ina.
MORE ON RELATIONSHIPS:
"Don't get mad, get beautiful" - Sunshine Dizon
Ciara Sotto, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa