GMA Logo Rochelle Pangilinan and Bryce Eusebio in Wish Ko Lang
What's Hot

Mag-asawang nawalan ng unico hijo dahil sa kagat ng aso, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published May 31, 2022 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan and Bryce Eusebio in Wish Ko Lang


Isang bagong pag-asa ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa mag-asawang namatayan ng unico hijo dahil nakagat ng asong may rabies.

Masakit pa rin para sa mag-asawang Gemma (Rochelle Pangilinan) at Martin (Jess Mendoza) ang maagang pagkamatay ng kanilang unico hijo matapos na makagat ng asong may rabies.

Napanood noong Sabado sa "Rabies" episode ng Wish Ko Lang ang nakalulungkot na sinapit ni Toto (Bryce Eusebio) dahil sa kagat ng aso.

Paliwanag ni Dr. Gerald Belandres sa pagkamatay ni Toto, "Hindi lahat ng aso ay mayroon talagang rabies. Kaya minsan nagkakaroon sila ng impeksyon din ng rabies kasi syempre nakagat din sila ng infected dog or nagkaroon pa rin sila ng exposure kaya nagkakaroon sila ng rabies.

"Doon naman sa kaso ni Toto, ang ginawa po kasi sa kanya ay 'yung nag-apply po sila ng bawang doon sa punctured part. Hindi po natin ito ina-advice. 'Yung isang bawang kasi kung tutuusin ang juice nito ay mainit.

"Pwede rin kasi itong maka-aggravate at mas lalong makasugat doon sa isang pasyente. Importante pa rin talaga na linisin 'yung sugat with anti-bacterial soap. And then syempre importante na tumakbo na po ito sa isang malapit na emergency room o ospital para mabigyan po ito ng tamang first aid," aniya.

At para makatulong sa mag-asawa, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, groceries, sari-sari store business, merienda spread business, fish sauce business, spanish sardines business, detergent package, coffee business, at brand new kitchen appliances.

Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal at bills assistance ng Wish Ko Lang para sa bagong simula nina Gemma at Martin.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa "A Mother's Love" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Rochelle Pangilinan sa gallery na ito: