Ready na ba kayong maglaro at mag-enjoy kasama ang inyong pamilya? Game na game na ba kayong sumagot ng top answers at manalo. Gusto niyo bang maglaro, mag-enjoy at maghakot ng limpak-limpak na pera? Madali lang!
Bumuo ng group na merong limang (5) family members edad 18 pataas. Magdala ng tigdadalawang IDs at kani-kaniyang birth certificates at mag-audition na sa GMA Network Center kada Sabado simula September 19, mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.
Ang mga nasa Cebu, Davao, Naga at Dagupan, puwede ring sumali! Abangan lang ang mga detalye dito sa iGMA.tv!
Saan ka man sa Pilipinas, puwede nang makasali sa pagbabalik ng pinakamalaking game show na buong family—happy!
Huwag nang magpahuli dahil ito na ang pagkakataon ninyong maging bahagi ng kinagigiliwan na top-rating game show ng Kapuso Network, and Family Feud—mag-uumpisa na sa October 19, dito lamang sa GMA-7. -- Photo by Mio de Castro.