GMA Logo the voice kids
What's on TV

Mag-audition na sa 'The Voice Kids' ngayong April 13!

By Jimboy Napoles
Published April 12, 2024 5:15 PM PHT
Updated August 7, 2024 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

5 people linked to alleged NPA members in Toboso clash arrested
How do airplanes stay in the air? Physicist explains
This restaurant gives free food to PUV drivers

Article Inside Page


Showbiz News

the voice kids


Calling all Pinoy kids na mahusay umawit! Mag-audition na sa 'The Voice Kids' sa GMA.

Matapos ang matagumpay na debut ng The Voice Generations sa GMA, muli namang bubuksan ang entablado para sa mga batang aspiring singers na gustong sumali sa The Voice Kids.

Ngayong darating na Sabado, April 13, magkakaroon muli ng audition para sa mga kabataang mahuhusay umawit.

Pumunta lamang sa Studio 6 ng GMA Network simula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Bukas ang auditions para sa mga kabataang edad 9 hanggang 14 taon.

Para sa mga interesadong mag-audition, pinapayagan din ang pagdadala ng minus one at musical instrument.

Ano pa ang hinihintay mo? Humanda nang iparinig ang iyong boses sa buong mundo. Malay mo, ikaw na pala ang tatanghaling young superstar ng The Voice Kids!

For more updates on The Voice Kids, visit GMANetwork.com.