
Viral ngayon ang video ng dalawang mag-beshie (best friends) na sina Sander "Lala" Vileganio at Mark Jhay "MJ" Ortega. Sa video na ito na mula sa isang episode ng #MPK, mapapanood si MJ na tinanong ang kaniyang kaibigang si Lala, "Bakit ang malungkot ang beshie ko?" na nauwi pa sa tumbling battle nilang dalawa.
Marami ang nag-post ng kani-kanilang bersyon ng kakaibang pangangamusta sa kaibigan, kabilang na sina Dennis Trillo, Jake Ejercito, Mikael Daez, at Megan Young.
Unang nilabas ang kuwento ng dalawa sa 2019 episode ng drama anthology series na #MPK (Magpakailanman), na ipinalabas din Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa taong din 'yun.
Nitong nakaraang episode ng KMJS at sa morning show na Unang Hirit, ikinwento ng dalawa kung kamusta na sila at ang naging kanilang buhay.
Ayon kay Lala, grade 4 palang siya ay nagsusuot na siya ng pambabae at naglalaro ng Barbie dolls. Samantalang si MJ, sinabing ang mga pinsan ang dahilan kung bakit siya naging parte ng LGBTQIA+ community.
Sinabi pa ng dalawa na sunud-sunod dumating ang mga offer sa kanila para maging artista. Sa katunayan, si MJ ay nakasama pa sa isang horror-comedy film.
Matapos ang apat na taon, kamusta na nga ba sila ngayon?
Ayon kay Lala, “Bihira na po kami magsama niyan. May kaibigan na 'ko, may kaibigan na siya. 'Tapos nung pandemic, nagwatak na kaming dalawa.”
Ngunit kahit madalang magkita, ayon kay MJ, “'Pag may problema po ako, kahit po hindi ko siya nasasabihan, nandun po siya kaya po thankful talaga ako kay Lala.”
Nag-focus din muna ang dalawa sa pag-aaral at bukod pa dun, si Lala, kinailangan kumayod bilang sorter o tigapagsalansan ng mga isda sa Navotas Fish Port para kumita. Ang ama niya kasi, bedridden dahil sa impeksyon sa ihi.
“Yung kinikita ko po, hati po kami ng aking mama. Minsan pambili ng bigas, ulam,” sabi naman ni Lala.
Ayon naman sa ama niyang si Jimmy Vileganio, mabait na bata si Lala at ito pa nga ang bumibili ng pagkain niya sa araw-araw.
“Salamat, Lala, na ikaw ang nakatulong sa akin,” dagdag pa nito.
Panoorin ang buong segment ng interview nina Lala at MJ sa KMJS dito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG VIRAL TIKTOK VIDEOS NG CELEBRITIES DITO: