GMA Logo Glo, Cora, Kim Chiu, Amy Perez
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Mag-bestie, nag-double date sa 'Step in the Name of Love'

By Kristine Kang
Published June 17, 2025 3:15 PM PHT
Updated June 24, 2025 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam: P2-B Tulong Dunong budget for 2026 to fall under CHED
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Glo, Cora, Kim Chiu, Amy Perez


Talagang walang iwanan sa dalawang besties na sina Glo at Cora!

Hindi lang isa kundi dalawang babae ang kinilig sa dating segment na “Step in the Name of Love” ng fun noontime program na It's Showtime.

Nitong Martes (June 17), sumalang ang bestie na si Glo para tulungan ang kanyang matalik na kaibigan na si Cora na muling makahanap ng makaka-date.

Mahigit dalawang taon nang single si Cora, kaya nami-miss na raw niya ang kilig ng pagmamahal. Aminado pa siyang naiinggit minsan sa mga couple sa paligid niya.

"Gusto kong sumali sa It's Showtime. Gusto ko naman tingnan kung mabubuhay pa 'yung puso ko kasi pakiramdam ko patay na," pagbabahagi ni Cora.

Agad namang tinulungan ng mga host na mahanapan siya ng perfect match sa tatlong hakbangers na sina Tony, Alden, at Bhoy.

Mas nagkakilala ang tatlong kalalakihan at ang mag-bestie base sa kanilang mga sagot at itsura. Sa huling round, sina Tony at Bhoy ang natirang pagpipilian ni Cora.

Pero bago pa siya pumili, may nakakatuwang twist!

"Bakit kayo tumuturo kay Ate Glo? Double date?" tanong ni Jhong Hilario nang mapansin ang searcher.

"Sana," sagot ni Cora, sabay ngiti.

Dito na inamin ni Glo na 26 years na siyang biyuda. Kaya naman gusto rin ni Cora na sumaya ito muli.

"Okay lang ba sa'yo na kung sino hindi mapili ni [Cora], sa'yo mapupunta?" tanong nina Jhong at Amy Perez.

"Sige na nga," game na sagot ni Glo, na agad pinusuan ng madlang people.

"Wala na talagang iwanan," dagdag niya.

Sa huli, pinili ni Cora si Tony bilang kanyang date habang si Glo naman ay sumama kay Bhoy.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang nakakakilig na moment nila sa 'Step in the Name of Love' dito: