GMA Logo Irma Adlawan and Hannah Arguelles
What's Hot

Mag-inang nagkawatak matapos na magkatampuhan, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 17, 2022 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Irma Adlawan and Hannah Arguelles


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa mag-inang Marilou at Jelai na nagkawatak matapos na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Nasaksihan noong Sabado, October 15, sa "Tanan" episode ng Wish Ko Lang ang labis na pag-aalala ni Marilou (Irma Adlawan) matapos na maglayas ang anak na si Jelai (Hannah Arguelles).

Naglayas ang dalaga nang mapagsabihan ng ina tungkol sa napapabayaang responsibilidad bilang isang anak at estudyante dahil sa madalas na paggamit nito ng cellphone at pakikipag-chat.

Wish Ko Lang

Sa ngayon, bumalik na si Jelai sa kanyang pamilya at naliwanagan na ang pangaral ng ina ay para lamang sa kanyang ikabubuti. At para sa pagsisimulang muli ng pamilya ni Marilou, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP95,000 ay ang merienda food cart business, gourmet business, chili garlic business, leche flan business, at Pinoy street food business.

May regalo ring school supplies at educational assistance ang programa para sa pag-aaral ni Jelai. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa pamilya ni Marilou.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: