
Bukas na ang holiday finale ng Noel Bazaar 2025!
Ang Noel Bazaar 2025 holiday finale ay kasalukuyang ginaganap sa Filinvest Tent Alabang para sa mga nais mag-last minute holiday shopping.
Ang exciting holiday shopping event na ito at 25th anniversary ng Noel Bazaar ay organized ng Cut Unlimited at co-presented ng GMA Network.
PHOTO SOURCE: Unang Balita/ GMA Integrated News
Sa Unang Balita, ipinakita na may higit 200 merchants na kabilang sa holiday finale ng Noel Bazaar. Makikita rito ang unique finds, local brands, at iba pang mga pangregalo sa Pasko. Kabilang din sa Noel Bazaar ang iba't ibang food stalls para sa mga gustong mag-food trip.
Samantala, mayroon ding booth ang GMA Kapuso Foundation para sa mga nais mag-donate ng school supplies para sa mga bata ngayong Pasko.
Ipinakita rin sa ulat na ito na nasa Noel Bazaar ang GMA Kapuso Foundation Executive Vice President and Chief Operating Officer Rikki Escudero-Catibog at ang Managing Director ng Cut Unlimited na si Justine Bautista-Reyes.
Ang Noel Bazaar 2025 Holiday Finale sa Filinvest Tent Alabang ay bukas hanggang December 21, 11:00 AM to 9:00 PM.
Panoorin ang kabuuan ang ulat na ito:
Video courtesy of Unang Balita / GMA Integrated News