
Makakatrabaho na ni Marian Rivera ang ninang niya sa kasal na si Ms. Helen Gamboa. Gaganap ang batikang aktres bilang lola ng Kapuso Primetime Queen sa upcoming series titled Super Ma'am.
Ani Ms. Helen Gamboa, "I want to say na it's something different from the roles I have done before. Papanoorin [ng viewers ang Super Ma'am] dahil [sa] curiosity."
Kumusta naman katrabaho ang kanyang inaanak?
Ika niya, "Gel na gel kami, siyempre. Of course, she's my inaanak. She's very sweet. 'Pag [nasa] set talagang wala kaming problema." Comment pa ng Ninang Helen kay Yan: "Hindi siya maarte."
Si Marian naman, paano ipapaliwanag ang relationship niya with the veteran actress?
Aniya, "Nanay na nanay talaga. Kahit nasa bahay ako [sasabihan niya ako ng] 'Anak, nandiyan ka ba? Padalan kita ng pagkain.' Palagi."
Nilarawan din ni Marian bilang "very sweet" ang kanyang nanay-nanayan.
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News