
The battle between the new generation of world-class Pinoy talent is now on as we're halfway through the competition!
Matapos ang 'Blind Auditions,' nabuo na ng superstar coaches na sina Julie Anne San Jose, Pablo, Stell at Billy Crawford ang kani-kanilang teams sa The Voice Kids.
Bawat team ay mayroong siyam na talents na magpapasiklaban sa "Battle Round" na magsisimula na ngayong Linggo, November 3.
Pero sa huli, boses pa rin ng taumbayan ang mananaig sa Finals na gaganapin sa Disyembre.
Para sa mga wala pang GMANetwork.com account, ngayon pa lang ay maaari nang mag-register para makaboto sa grand finals. Pumunta lang sa GMANetwork.com/TheVoiceKids.
Sa upper right corner ng page, pindutin ang 'Log in' icon at mag-register.
I-enter ang inyong email address at napiling password, at punan ang gender at birthday fields.
I-check ang Privacy Policy and Terms and Services kung ikaw ay sumasang-ayon dito bago i-click ang "Proceed" button. I-verify ang inyong email address para maging legit ang inyong registration.
Pumunta sa inyong account at kumpletuhin ang inyong personal information.
Matapos mag-register, maaari rin kayong sumali sa fun polls ng programa sa GMANetwork.com/TVKVote kung saan maaari n'yong i-share kung kaninong performance ang nagustuhan n'yo sa bawat team. Magsisimula ang katuwaang polls sa pagbubukas ng Battle Round ngayong November 3.
Abangan ang mga matitinding performances ng mga talents nina Coach Julie, Coach Pablo, Coach Stell, at Coach Billy sa Kapuso Network, simulcast din ang The Voice Kids sa GMA at Kapuso Stream, at sa The Voice Kids YouTube sa oras na 7:00 ng gabi. Huwag ding kalimutang i-share ang poll sa inyong social media pages.
Isang paalala: Walang epekto ang resulta ng kompetisyon ang online polls para sa 'Battle Round' at sa mga susunod pang round ng The Voice Kids.
Ang tanging official voting sa gabi ng Finals sa December ang may impact kung sino ang magwawaging The Voice Kids grand winner, kaya siguruhing suportahan ang inyong pambato sa pamamagitan ng pagboto sa Finals.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang GMANetwork.com/TheVoiceKids at official Facebook page ng programa.