GMA Logo the voice kids
What's on TV

Mag-register na para maiboto kung sino ang gusto ninyong manalo sa 'The Voice Kids'!

By Jansen Ramos
Published December 11, 2025 12:35 PM PHT
Updated December 12, 2025 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA Season 101 basketball commissioner releases statement on league rules and player suspensions
Talisay City, Cebu flagged for ineligible expenses charged to disaster funds
New LRT-1 'KasakaySayan' turns trains into historical classrooms

Article Inside Page


Showbiz News

the voice kids


Bawat isang Kapuso account ay maaaring bumoto hanggang 10 beses, kaya siguraduhing naka-register sa GMANetwork.com o GMA mobile app para maiboto ang inyong pambato sa live grand finals ng 'The Voice Kids' sa Linggo, December 14.

The battle between the future generations of world-class Pinoy talent has reached the most exciting stage of the competition!

Matapos ang 13 linggong pasiklaban ng boses, may kanya-kanya nang pambato ang bawat team ng superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Zack Tabudlo, at Paolo at Miguel ng Ben&Ben sa The Voice Kids.

Ang apat na maglalaban-laban sa grand finals sa darating na Linggo, December 14, ay ang "Vibin' Diva ng Bicol" na si Yana Goopio ng Team Bilib, "Rizz singer ng Bicol" na si Marian Ansay ng Julesquad, "Kween Birit ng Pasig" na si Sofia Mallares ng Project Z, at "Theater Bae ng QC" na si Giani Sarita ng BenKada.

Sa murang edad, napatunayan nila na kaya nilang tanggapin ang hamon ng kanilang pangarap.

Pero sa huli, boses pa rin ng taumbayan ang mananaig dahil sila ang magpapasya kung sino ang susunod na tatanghaling grand winner ng The Voice Kids via online voting.

Para makaboto, kailangang mag-log in sa GMANetwork.com o GMA mobile app.

Kung ikaw ay wala pang Kapuso account, sundin ang steps na ito:

Step 1: Mag-sign up sa GMANetwork.com/Entertainment dito.

Step 2: I-verify ang inyong email address para maging legit ang inyong registration.

Step 3: Pumunta sa inyong account at kumpletuhin ang inyong personal information.

Step 4: Abangan kung kailan magbubukas ang botohan sa gabi mismo ng live finale ng The Voice Kids sa Linggo, December 14. Mapapanood ang The Voice Kids sa GMA-7 at Kapuso Stream sa oras na 7:00 p.m.

Step 5: Kapag bukas na ang botohan, pumunta sa GMANetwork.com/TVKVote o i-scan ang QR code sa ibaba, at piliin kung sino ang gusto n'yong manalo sa The Voice Kids. Bawat isang Kapuso account ay maaaring bumoto hanggang 10 beses.

Step 6: Huwag kalimutang i-share ang poll sa social media at iparinig ang inyong suporta sa inyong pambato.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang GMANetwork.com/TheVoiceKids at official social media pages ng programa.