What's Hot

Mag-time travel throwback kasama ang 'Time Quest'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 21, 2020 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



?Ang time travel adventure na kinagiliwan noon, mapapanood na muli ngayon!
By MARAH RUIZ



Ang time travel adventure na kinagiliwan noon, mapapanood na muli ngayon!

Dahil na-miss 'nyo ang mahiwagang takure, balikan ang mga pakikipagsapalaran nina Hayato at Yumi sa Time Quest!

Mapapadpad sa ancient Baghdad ang soccer player na si Hayato at ang musician na si Yumi nang aksidente nilang ma-activate si Tondekeman—isang mahiwagang takure na isa 'ding time machine—nang bumisita sila sa laboratory ni Dr. Leonard.

Mahihiwalay sila kay Tondekeman kaya kailangan nilang hanapin ito para makabalik sa kasalukuyan. Mapapag?-alaman nilang nakuha pala ito ng isang salamangkero na nagngangalang Abdullah.

Makikilala din nila roon sina Alladin, Prinsipe Dandarn at Prinsesa Shalala na tutulong sa kanila sa pagbawi kay Tondekeman.

Paano babawiin nina Hayato at Yumi a ?ng? mahiwagang takure mula kay Abdullah? Makabalik pa kaya sila sa kasalukuyan?

Abangan ang pagbabalik ng Time Quest, simula March 30, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Martin Mystery sa nangungunang GMA Astig Authority.