
Pasabog ang mga rebelasyon sa pinag-uusapang revenge-drama series sa hapon na Magandang Dilag.
Sa October 31-episode ng GMA Afternoon Prime series, nakumpirma ni Riley (Bianca Manalo) na hindi si Blaire (Maxine Medina) ang kabit ng asawa niyang si Magnus (Adrian Alandy).
Ito ay matapos ipakonsulta ni Blaire ang sex video, na nagpapakitang nakikipagsiping siya kay Magnus, na isang tech expert. Ginamitan lamang ito ng isang deepfake application para ilagay ang mukha ni Blaire sa nasabing video.
Nabisto rin naman agad ni Riley kung sino nga ba ang kerida ng kanyang mister nang malaman niyang lilipad ito patungong ibang bansa kasama ang kabit.
Sa airport, nag-iskandalo si Riley para isiwalat kung sino nga ba ang tunay na kabit ni Magnus.
Laking gulat ni Riley na ang kaibigan nila ni Blaire na si Allison (Angela Alarcon) ang tumatraydor sa kanya.
Sa huli, kinampihan ni Magnus si Allison kaysa Riley dahil paniniwala niya, sinira ng kanyang misis ang kanyang reputasyon nang mag-iskandalo ito.
Samantala, pinaimbestigahan ni Riley si Allison at isang bagong rebelasyon ang kanyang nalaman na gagamitin niya para masira ang dating kaibigan.
Nabuking ni Riley na hindi totoong babae si Allison at Alfredo Flores ang tunay na pangalan nito dahil isa pala itong transwoman.
Panoorin ang buong episode sa itaas.
Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Magandang Dilag weekdays, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
BALIKAN ANG IBA PANG MGA INTENSE NA EKSENA SA MAGANDANG DILAG.