GMA Logo magandang dilag
What's on TV

Magandang Dilag: Gigi, inakit si Jared!

Published August 19, 2023 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag


Sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series na 'Magandang Dilag,' inakit ni Gigi si Jared habang nasa swimming training ito para pagselosin si Blair.

Mas palabang Gigi (Herlene Budol) ang napapanood sa mas tumitinding drama sa hapon na Magandang Dilag.

Sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series, patuloy ang banggaan at bangayan nina Blair (Maxine Medina) at Gigi, na nagpakilalang Greta.

Ito ay matapos laitin ni Gigi ang designs ni Blair, isang fashion designer. Sinabihan niya itong "mahal" para sa anim na libo at "mukhang pambahay," kung saan nag-ugat ang teorya ni Blair na sina Gigi at Greta ay iisa.

Malakas din ang kutob ni Blair na tama ang kanyang hinala nang umeksena ang kaibigan ni Gigi na si Donna (Muriel Lomadilla) sa inorganisang Zumba class ni Mayor Magnus (Adrian Alandy) sa isang plaza.

Dito ay nagwelga si Donna para ipahiya ang alkalde dahil sa paniniwala niyang pinaslang nito ang best friend niya at ina nitong si Luisa (Sandy Andolong).

Bakas sa mukha ni Gigi pangamba, bagay na napansin ni Blair.

Dito na nagdesisyon si Blair at ang buong Elite Squad na i-check kung nasa mental hospital pa si Gigi para patunayan ang hinala ni Blair. Nagawan naman ito ng paraan ni Gigi at nagpanggap na isang baliw.

Samantala, hindi pa tapos si Gigi sa paniningil sa grupo dahil si Jared (Rob Gomez) naman ang kanyang pinupuntirya.

Sinubukang akitin ni Gigi si Jared habang nasa swimming training ito para pagselosin si Blair.

Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online platforms.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: