
Mas palabang Gigi (Herlene Budol) ang mapapanood sa mas tumitinding drama sa hapon na Magandang Dilag.
Sa teaser na inilabas ng programa ngayong Huwebes, August 3, makikilala na ang bagong Gigi sa tulong ni Sofia (Chanda Romero), ang asawa ng kanyang yumaong amang si Joaquin (Al Tantay).
Si Sofia ang naglabas kay Gigi sa ospital matapos maltratuhin ng nurse doon na tauhan ni Mayor Magnus (Adrian Alandy).
Sa pagbangon ni Gigi, magta-transform siya bilang isang magandang dilag at mas matapang na babae para maningil sa mga nanloko at nang-api sa kanya at sa ina niyang si Luisa (Sandy Andolong).
Subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: