
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Magandang Dilag.
Sa September 27-episode ng GMA Afternoon Prime series, pursigidong i-pursue ni Jared (Rob Gomez) si Greta, disguise ni Gigi (Herlene Budol), matapos siyang umamin ng kanyang feelings dito nang makipaghiwalay sa kanyang fiance na si Blaire (Maxine Medina).
Nakipag-date si Greta kay Jared kahit anong pigil pa ni Eric.
Concerned kasi si Eric kay Gigi dahil si Jared noon ang dahilan kung bakit nasira ang babae.
Ayon kay Gigi, ginawa niya lang iyon para mapaikot si Jared pero hindi kumbinsido si Eric dahil naniniwala pa rin itong may feelings pa rin si Gigi kay Jared.
Dito na inamin ni Eric ang kanyang tunay na nararamdaman kay Gigi kaya ganoon na lang ang pag-iintindi niya sa dalaga.
Tinanggap kaya ni Gigi ang rebelasyon ni Eric?
Panoorin ang full episode ng Magandang Dilag sa video na ito.
Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.
NARITO ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG.