What's on TV

Magandang Dilag: Jared, nag-runaway groom para sagipin si Gigi

Published September 24, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag recap


Sa nakaraang linggo ng 'Magandang Dilag,' umurong si Jared (Rob Gomez) sa kasal nila ni Blaire (Maxine Medina) para sagipin si Gigi (Herlene Budol) mula sa nasusunog na studio.

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Magandang Dilag.

Sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series, mangyayari na sana ang pag-iisang dibdib nina Jared (Rob Gomez) at Blaire (Maxine Medina).

Pero ang groom, umurong sa kanilang kasal nang mapanood ang viral video ng assistant ni Gigi (Herlene Budol) kung saan humihingi ito ng tulong para mailigtas ang kanyang boss mula sa nasusunog na studio, kung saan ginanap ang photoshoot ng Bellatrix, matapos mag-spark ang isang microwave.

Naglalakad na noon si Blaire papunta sa altar pero nabaling ang atensyon ni Jared at ng iba pang guests sa nasabing video na ikinagalit ng bride.

Humingi ng sorry si Jared kay Blaire at nagmadali lumabas para puntahan ang building kung nasaan si Gigi.

Pinigilan si Jared ng kuya niyang si Mayor Magnus (Adrian Alandy) pero hindi na ito nagpadala sa kanyang mapagmanipulang kapatid.

Nasagip kaya ni Jared si Gigi?

Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG.