
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa pinag-uusapang drama sa hapon na Magandang Dilag.
Sa nakaraang linggo ng GMA Afternoon Prime series, biglang umalis si Luisa (Sandy Andolong) sa bahay ni Sofia (Chanda Romero) matapos makitang nagsisiga ang mga kasambahay nito.
Ipinapaalala kasi nito kay Luisa ang ginawang panununog sa kanya ni Magnus (Adrian Alandy), na muntik na ikamatay nang ginang.
Nang malaman ni Gigi (Herlene Budol) na nawawala ang kanyang ina, nagmadali siyang hanapin ito dahil may diperensya ito sa pag-iisip dulot ng trauma.
Sa kanyang paghahanap kay Luisa, nalaman niyang nahimatay ang kanyang ina, at may kumuha ritong lalaki at isinakay sa sasakyan, na labis na pinag-alala ni Gigi.
Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: