What's on TV

Magbabalik si Clarisse sa buhay ni Frank

By Dianara Alegre
Published October 6, 2020 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis at Andrea Torres


Magbabalik ang mga alaala sa pagbabalik ni Clarisse.

Nagsimula na ang “The Promise,” ang ikalawang seryeng handog ng drama anthology na I Can See You, nitong Lunes, October 5.

Tampok sa serye sina Kapuso A-list stars Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi. Kasama rin nila rito ang actress-host na si Maey Bautista.

Gaganap ang aktor bilang ang milyonaryong businessman na si Frank Agoncillo na labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa, si Clarisse Agoncillo (Yasmien). Pumanaw si Clarisse nang masangkot sila aksidente.

Dahil dito, naging miserable ang dating makulay at masayang buhay ni Frank. Sa kanyang pagdadalamhati ay nakilala niya si Ivy Teodoro (Andrea), ang girlfriend ng pinsan at right hand man niyang si Jude Agoncillo (Benjamin). Ang pagdating ni Ivy sa buhay niya ang muling magpapanumbalik sa mga alaala ng namayapang si Clarisse.

Sa ikalawang episode nito ay tuluyan nang magbabalik ang yumaong si Clarisse sa pamamagitan ni Ivy.

Maniniwala kaya si Frank sa nakalilito at nakabibiglang pag-amin na ito?

The Promise Paolo Contis at Andrea Torres

Abangan ang mga kapana-panabik na eksena sa pagitan nina Frank, Ivy at Clarrise sa I Can See You: The Promise ngayong gabi, October 6, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.