
Naninirahan sa isang bahay sina Arlene (Aiko Melendez) at Nancy (Gladys Reyes).
Kahit nakatira lang sila sa isang bahay, hindi nila maiwasang magbangayan parang magkapitbahay. Tubig, pets, ingay, kalat--lahat ay napag-awayan nila.
Sa simula, hindi naman talaga nila sinasadyang asarin ang isa't-isa ngunit habang tumatagal mas lumalaki ang galit nila hanggang madamay na ang ilang barangay officials.
Maayos kaya nila ang kanilang isyu?
Panoorin ang kinaabangang episode na “Bahay Bangayan” sa Dear Uge kasama sina Aiko Melendez, Gladys Reyes, Ashley Ortega, Manolo Pedrosa, Anne Garcia, at Divine Valencia, ngayong Linggo, May 31.